Ang Aking Journal
26/05/2022
" The way I see it, if you want the rainbow, you gotta put up with the rain"
Iyan ang sabi ng iba.Kung gusto mong may makakita na ligaya,Dapat makadaan ka muna sa mga hirap at sakit bago makapunta sa mga matatagumpay na laban. Dapat lalaban tayo at hindi susuko.Magiging masipag at matiyaga tayo para magawa natin ang mga misyon sa buhay natin ng maayos.Kung tayo ay bumagsak, dapat tayong bumangon para sa ating mga sarili at huwag hilahin pababa ng ating mga problema.
Ang unang gawin ko para mabuo yung misyon ko sa buhay, Gagawin ko ang lahat para makatapos sa pag eskwela,Iyan ang malaking layunin ko sa buhay dapat makatapos ako ng pag eskwela para hindi mahirap maghanap ng trabaho at makatulong rin ako sa pamilya ko.Nais ko rin pagbutihin ang aking kaalaman upang mapabuti ang aking mga talento dahil naniniwala ako na ito ang susi sa aking tagumpay sa hinaharap. Makakatulong din ito sa akin na magkaroon ng angkop na karera para masuportahan ko ang aking mga magulang. .para suklian sila sa mga sakripisyong ginawa nila para makapagtapos ako ng pag-aaral, mga sakripisyo para sa ikauunlad ng aking kinabukasan. Gagawin ko talaga ang lahat para makagraduate at makatulong sa mga magulang at kapatid ko.Umaasa akong makakuha ng matatag at ligtas na trabaho sa lalong madaling panahon upang masuportahan ko ang aking mga magulang at kapatid na babae. Sana rin maging mabuti akong malaking kapatid na babae sa aking mga kapatid.
Ang konklusyon ko dito ay hindi tayo dapat nag gigive-up agad dahil lang mahirap na ang buhay, Maaaring mahirap ang buhay kung minsan, ngunit bukas, sa susunod na umaga, o sa susunod na linggo, magkakaroon ka ng mas magandang araw at mas maraming pagpapala.gayunpaman, huwag kang susuko dahil baka hindi natin alam ang mga nangyayari sa susunod na araw. Dapat tayong manatiling buhay at tumuon sa mga masasaya at positibong bagay sa buhay. Maaari tayong umiyak, masiraan ng loob at ma-depress pero huwag nating hayaang masira tayo. Maaari tayong magpahinga at pagkatapos ay bumalik. Huwag hayaan ang sakit na pabigat sa iyo ng mahabang panahon. Ang pagpapagaling ay nangangailangan ng oras at maaari nating hintayin iyon.
Comments
Post a Comment