PRODUKSIYON AND KONSUMPSIYON
Ang isang lugar sa Mindanao ang tinuturing na isa sa mga pinakamahirap na lugar sa probinsya. Ang Abaca, isang tanim na kapamilya ng saging. Hindi lang ito ginagamit para gumawa ng papel kundi ginagamit rin ito para maka gawa ng pera. Isang tatay ang nagpupurseging nag aani ng abaca para makapera at makakain ang kanyang mga anak. Matakaw sa tubig ang abaca at tumutubo lamang ito sa mga ilog o makulimlim at malamig na tubig.
Marami akong natutunan pagkatapo kong napanood ang vidyo, Mahirap sila ngunit sinusubukan nilang mabuhay sa pamamagitan ng pag-aani ng abaca sa isang taon at maari rin silang kumikita ng pera sa isang taon din dahil ang puno ng abaca ay tutubo lamang sa isang taon. Mahirap anihin ang mga abaca ngayon dahil dumating ang mga milenyo, unti-unting pinutol ang mga puno at pinakalbo ito halos wala na, kaya ang mga tao sa saranggani ay nahihirapang maghanap ng paraan para kumita ng pera.Isang taon lang sila kumakain ng Karne at ang mga bata ay naghihintay silang makakain ulit ng Ulam at Bigas.
Napagtanto kong napakahirap ng kanilang buhay. Kailangan pa nilang mag-ani ng ilang abaca at maghintay ng isang taon upang ibenta ang mga ito at kailangan nilang bumaba sa bundok at maraming oras nilang papasanin ang kanilang mabigat na abaca. Dapat ngayon nagpapasalamat tayo na meron tayong maganda at komportable na buhay.
Comments
Post a Comment